Saturday, February 4, 2012

Liham na walang nagmamay ari

Ang araw ay palubog, ako eto naghihintay mauntog.

Kinakain ng dilaw na bilog

Tulala sa namumulang kalangitan

Umaasang isang araw ako ay mababahagian

Ng munting sasakyan

Patungo sa kaligayahan


Sa araw-araw na pagtangis

Buhay ko ay bumabangis

Pera ay winawalis

Ngunit laway ko ay napapanis


Kaydami kong nais ikwento

Kung anu nangyari sakin maghapon

At matanong kung anu ba ang ganto ganto

Ngunit ako ay magisa na nakakahon


Maraming bibig

Ngunit puno na ng tubig

Sa dami nila walang ni isa ang gustong makinig

Para akong halaman na humihingi ng konting dilig


Kaya sa hangin at bituin

ako ay laging nanalangin

sana isang araw ako rin ay paligayahin

makita ang taong ako ay handang ibigin

Kahit ako ay tagihawatin

Kahit ako ay dapain

Kahit ako ay sablayin

Kahit ako ay bulyawin

Ako naman ay matiisin


Sa twina ako ay nangangarap

Ikaw at ako magkasama sa alapaap

Ngite mong masarap

bawat segundo ay nilalasap


Hawak kamay, parehong mahaba ang galamay

Sa mga bata at bahag hari ay kumakaway

Eto kaming dalawa di na maghihiwalay

Kahit daanan ng bagyo at away


Alam mo ang totoong pagmamahal

Di mo pinagaralan sa ibang kawal

Alam mo ang tama at bawal

At dahil dun lalo kitang minamahal


Di ka takot maging masama sa paningin ng iba

Pagkat tanggap mo na ikaw ay katulad ko lang din na tatanga tanga

DI ka magsisinungaling sa akin kahit aking ikagagalit

Pagkat naniniwala ka na ang pag ibig ay di nawawaglit

Mas tamang maging tapat

kesa itago lahat ng peklat


Kung tayo man ay mag-away

Tayo y magkaakap pa din na hihimlay

Ang kapatawaran ang magbibigay buhay

Sa gabing tumatamlay


Pag gising sa umaga

Mukang mo ang makikita

Wala akong masasabi kung "kay ganda"

Ngite mo pala nakakagising na.


Sa maghapong trabaho

Ikaw ang nagpapatakbo

Uuwi agad sa bahay kahit humahapo

Matikman lang ang luto

Kahit ito ay simple laman na prito.


Nakakatuwang isipin lahat ng pangyayari

Ngunit ako ay nararapat lang bumalik sa dati

Eto ako, mag isang ngumingiti

Sa isang liham na walang nagmamay ari.




1 comment: