Tuesday, February 7, 2012

Ang buhay ng isang artist

Artist - isang taong talentado. Buhay ay musika, pag-guhit at pinta, pagsayaw, pagsusulat, paglikha ng kakaibang bagay, sa madaling salita lumikha ng isang sining.

Sabi ng magulang ko nung bata ako, ang pagkahilig sa art ay isa lamang libangan, wala raw kapatutunguhan. Pero sumagot ako ng pabalang "eh eto po gusto kong gawin tay eh... magdrawing." at napalo ako ni tatay.

Naalala ko din nung bata kami, araw ng patay. Nagkikita kita kami ng mga pinsan ko, syempre kwentuhang bata tanungan tanga lang. At napagusapan ang mga pangarap natrabaho paglaki. Kanya kanyang dali, may doctor, teacher, nurse, piloto blah blah...at nung pagkakataon ko na, walang alinlangan sinabi kong gusto kong maging pintor. Pinagtawanan nila ako... "anu daw? pintor??? pintor ng bahay???."

At nuon pa lamang akin ng napagtanto... di siguro normal ang aking ambisyon.
Mahirap ba ang maging artist? o isa lang malaking joke?

Hangang dumami ang hininga, sumikip ang lupa at naging madumi ang hangin
Ako ay nanindigan pa din.
Umani ng parangal... nakilala sa pagiging hangal.
Nandigan na ang talento ang magdadala sa akin sa lugar ng tagumpay.
Mapagkamalan man alien minsan, wala akong pake alam
Kung weird ako mas weird sila.
Utak at kamay, sabay kumakaway.

Kaya pagkatapos ng mahabang panahon ng paninindigan...
Ito ako isang "artist" sa isang kumpanya.
Mag aalas dose na... lumalagare pa.
Kanina lamang gusto ko ng ipukpok ang aking ulo sa aking mesa...
Bakit ganito ang aking trabaho... tila ako ay naabuso.
Ito ba ang pangarap ko... maging alila ng ibang tao?
Hindi ko naman hinahangad ang malaking pera
pero hinangad ko lang din sana di ako inaabuso nila
di ipinapahiya at kinukutya.
Hangang ngayon ginagawang katawa tawa
Di man ako maging katulad nila...
pero tang ina
isang araw kayo ay titingala...

dalawa lang...

Mayaman ako at sikat na mapagkumbaba
o ako ay patay na...


huli kayo pa din ay titingala.

at eto ang buhay ng isang artist sa mundo ng kumpanya.



No comments:

Post a Comment