Tuesday, February 28, 2012

Korporasyong Selda: Kulungan ng Malayang Utak

Sa malamig na opisina
Sa magulong la mesa
Sa tuloy tuloy na daloy ng pera
Nagmimistulan ka ng makinarya

Saradong kaisipan
walang mapaglagyan
Mapanlait na kamalayan
katumbas ay iyong kamatayan

Tinig ang nanliliit
tila bumubulong nalang ang hirit
Kahapon ideyang galit na galit
Ngayon ni isa walang masambit

Nakulong ka na! bobo ka ba?
Asan ang iyong pag-asa
Dahil ba sa tuloy tuloy na pera
Hinahayan mong hilahin ka ng bulok na sistema.



No comments:

Post a Comment