Friday, January 24, 2014

Masayang Umaga... sana.

Kaninang umaga nagising ako sa lamig ng hangin na pumasok sa bukas kong bintana. May ibon na gustong pumasok sa loob ng aking bahay. Tumayo ako mula sa aking malambot na higaan, para akong lumalangoy sa malambot na karagatan at nalulunod sa lambot ng puti kong comforter. Binuksan ko ng tuluyan ang aking mga bintana. Pumasok ang malamig at sariwang hangin... nakita kong nagsasayawan ang yung mga halaman sa loob ng aking kwarto. Binati ko sila ng "Good Morning". Tapos bumaba ako, gumawa ng kape at nag ikot ng bahay. Binuksan ang radyo at nagcheck ng schedule. Yikes! may schedule pala ako ng shoot ngayon kay Madame, what time ba? ay after lunch pa naman pala eh...keri lang!.
Gumawa na ako ng aking umagahan at kumain, pagkatapos ay nagbihis, pumunta ako sa likuran ng aking bahay. Walis walis, kinamusta at diniligan ko ang aking mga tanim na gulay at bulaklak. Parang pang fairytale ng bahay ko ah "Shabby Chic" motherfather!. Tapos  balik ulet ako sa loob, linis ng bahay, walis, punas, keme keme... tapos ligo... kahit malamig pwede na yan... tapos bihis at sakay sa kotse. Pupunta akong town, maggrogrocerie lang at bile ng merienda para sa client.
Pinark ko sa malapit sa Jollibee.. tapos dahan dahan akong naglalakad. Me mga nakita akong kaibigan, "oi! Leli musta na.... lumipat ka na daw sa kagubatan?" sabi ko naman" oo nga eh... masaya dun... tahimik kasi wala masyadong tao...." "ah... sige alis nako...." Naglakad na ulet ako ng napangite ako, me malakas na tugtog akong naririnig "I make my own sunshine..." pos me bumusina ng sobrang lakas...nasa tapat na pala ako ng office bulding.

Syempre joke lang ang lahat... ang totoo, papasok lang ako sa trabaho ko at galing ako sa Dorm ko na ala singko palang ng umaga eh me mga nagsisigawan na...

No comments:

Post a Comment