Tuesday, December 6, 2011

Chapter one: Hello my name is Future

Unang tagpo, lahat naglalaho
Tao sa paligid, lahat ng umaagilid
Nawawala na parang bula
Natira ang apat na mata

Tila nagiispadah ang dalawang paningin
Nagbabasahan kung sino ang unang aamin
Sa pagtitig na puno ng damdamin
Hello Future bat ngayon ka lang dumating?

May musikang humuhuni
Sumasabay sa bawat ngiti
Napapapikit at humihinga ng malalim
Ikaw na nga, liwanag sa aking dilim

Hello Future.